Nasaan na ako?! Sobrang liwanag, lahat nakaputi at ba’t may pakpak ako?! Nasan si nanay? At si tatay? Wala sila dito pero ang saya-saya ng mga kasama ko. Pati sila may mga pakpak din...sariwa ang hangin at parang lumulutang ata ako.
May malamig na hangin na dumampi sa kanyang noo.
Aray…aray ko..nanay…tatay.. sobrang sakit…tama na po hindi ko na kaya ang hapdi, ang sakit…sobrang sakit. Nanay, tulungan nio po ako! Nanay! Tatay! San na po kayo? Tulungan nio po ako dito. Hinihila po nila ang paa ko. Aray ko po! Nanay! Nanay, tulungan nio po ako. Bakit parang walang nakarinig sakin? Nasaan na po kayo? Parang awa niyo na po, huwag niyong hilain ang paa ko. Patuloy ang kanyang pagsigaw at pag-iyak pero walang sumasaklolo sa kanya. Maya’t maya’y, Huwag po, huwag po. Nanay, saklolo pati po katawan pilit hinihila. Nanay! Nanay! Hindi ko na po kaya ang sakit na nararamdaman ko.
Hanggang sa naubos na ang kanyang lakas at wala na rin siyang boses para humingi ng tulong, tumila na rin ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Kaawa-awa ang kanyang sinapit.
Nasaan na po ako?! Biglang nawala ang sakit na nararamdaman ko. Kandong ako ng isang mama. Sino po kayo? Anu pong nangyari?, ang tanong ko sa mama.
Yumuko siya at tumingin sa baba. Tumingin din ako sa baba.
Mama, si nanay po un! Bakit po siya naospital? Kawawa po si nanay, sana nandoon ako para alagaan siya. Magpagaling ka jan ha, nay. Tumango ako sa mama.
Mama, anung lugar po to? Pwede po bang puntahan natin si nanay? Gusto ko po siyang yakapin at ipadama sa kanya na mahal na mahal ko siya.
Umiling ang mama.
“Anak, hindi mo na siya pwedeng yakapin pa”. Ikaw ay nasa akin ng kaharian, ang sambit ng mama.
Bakit po?, ang tanong ko.
“Dahil wala ka na sapiling ng mga tao, anak. Balang-araw maiintindihan mo rin”, paliwanag ng mama.
Nanlumo ako sa lungkot.
Mama, sinu po ung humila sakin? Bakit niya po hinihila ang paa at buo kong katawan?, sunud-sunod kong tanong sa mama.
“Anak, un ay isang taong monster”, ang sagot niya.
Taong-monster? Kumunot ang noo ko. Siguro bata pa nga ako kaya hindi ko pa siya kilala. Nanay, pasensya na po hindi na po kita mayayakap pa, hindi po kasi ako binigyan ng pagkakataon ng taong-monster na magkasama tayo. Sabik na sabik pa naman akong makasama kayo ni tatay. Huwag po kayong mag-alala nanay, babantayan kita palagi. Sana lubayan na po kayo ng taong-monster at sana rin po hindi niyo papayagan na magkita sila ni ading sa darating na panahon. Mahal na mahal kita, nanay pati na rin po si tatay. Huwag niyo pong pababayaan ang sarili niyo jan at magpagaling kayo ha. Sige po nanay, ikumusta niyo na lang po ako kay tatay. May salu-salo po kasi kami sa may hardin. Bayaan mo nay, dadalawin kita. Luvu nay, luvu tay!
***Isang maikling kwento tungkol sa abortion o pagpapalaglag ng sanggol dahil sa mga di makataong rason. Ito’y isang alaala nung ako’y nasa Texas Instruments nabasa ko sa isang directory na ibinigay ng isang PS. (january25-june25,2010)
No comments:
Post a Comment